Manila, Philippines- Napakanta ni Ice Seguerra ang isa sa mga nirerespetong artista sa industrya, walang iba kundi si Ms. Boots Anson-Rodrigo, sa very successful concert niya na “Ice Seguerra, a
Videoke Hits: OPM Edition” sa Music Museum.
That night is not the first time na nanood si Ms. Boots ng Videoke Hits concert ni Ice.
Nu’ng first night na nanood ng concert ni Ice si Ms. Boots ay nahihiya pa ang singer na lapitan sa audience at pakantahin si Ms.Boots. Nag-alangan si Ice na baka ‘di feel ni Ms. Boots ang kumanta.
Pero laking gulat ni Ice nu’ng makausap niya si Ms. Boots after the concert at “sinita” at tinanong kung bakit ‘di siya nilapitan at pinakanta.
Kaya naman nu’ng nakita ni Ice si Ms. Boots ay nakakanta na ang well-respected actress. At, ‘di lang kumanta si Ms. Boots, ha.
Sumayaw pa siya kasama ang partner ni Ice at dating FDCP Chairperson Liza Diño on stage.
May pasabog na dance number si Liza sa kantang ‘Pilantropiko’ ng BINI towards the end of the show.
Grabe ang ganda ng show, siksik and very entertaining.