CLAVERIA, Cagayan – Hindi pinaglapas ng magkakasunod na bagyo Marce at Nika ang mga proyekto ng National Irrigaration Administration o NIA Cagayan ang siyam (9) na Solar Pump Irrigation Project sa ibat-ibang bayan dito sa nasabing probinsya.
Sa nakuhang datos mula kay Division Manager Engr. Geffrey Catulin ng NIA Cagayan Batanes Irrigation Management Office o IMO ay 9 na solar pump irrigation project ang nasira mga solar pump irrigation project na ginagamit na supply na tubig ng mga Bagong Bayaning Magsasaka o BBM.
Ang siyam na SPIP ay mula sa Dagueray sa Sancez Mira, Allasitan sa Pamplona, Sto. Tomas, Patta, Dibalio Centro VII, Alimoan, San Vicente at Taggat Sur naman sa Claveria ang mga nasabing proyekto.
Sa ngayon ay inaalam pa ang kabuan halaga ng mga milyu-milyon proyekto ng NIA Cagayan Batanes IMO.
Ang mga nasabing proyekto ay gamit ng mga magsasaka para sa pagpapatubig lalo sa panahon ng tag-tuyot o el-nino na libreng ibinabahagi ng ng nasabing ahensya. Rey Velasco