Home ENTERTAINMENT IG account ni KC, na-compromise!

IG account ni KC, na-compromise!

Manila, Philippines – Parami nang parami ang mga social media accounts ng ating mga artista ang nako-compromise o naha-hack.

Of late, hindi rin nakaligtas ang Instagram account ng jewelry brand ni KC Concepcion.

Kamakailan, nag-post ng advisory si KC na ang jewelry brand niyang Avec Moi “has been compromised.”

Tiniyak naman ng panganay na anak ni Sharon Cuneta na ginagawa na raw niya ang lahat para maresolba ito.

Kasabay ng kanyang advisory, nag-isyu rin ng panawagan si KC “never to communicate” with anybody using the said IG account.

So far, wala pa naman daw naitatalang anumang activities ang compromised account.

The previous week ay sunud-sunod ang mga inirereport na hacked social media accounts ng mga kilalang personalidad.

Ginagamit ang mga ito ng mga nagpapanggap bilang mga celebrities para manghingi ng tulong pinansyal sa mga naging biktima ng bagyong Carina nitong July 24.

Ang iba nama’y nagpapanggap para mangutang ng pera gamit ang hacked accounts.

Payo nga ng nabiktima ring si Jolina Magdangal, mangyaring i-block agad ang mga ito.

Supalpal naman ang ipinatikim ni Mariel Rodriguez sa mga posers na hindi na nahiya sa kanilang mga iligal na gawain.

Nagtapos ng kursong gemology sa Paris, France si KC who eventually set up her own jewelry brand. Ronnie Carrasco III