MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes ang resignation ng tagapagsalita nitong si Pircelyn “Celine” Pialago, epektibo sa pagtatapos ng taon.
“Ms. Pialago has served the agency with dedication, and while we are saddened to see her depart, we respect her decision to move forward in her journey,” pahayag ng LTFRB.
“We extend our heartfelt gratitude to Ms. Pialago for her contributions and wish her the very best in all her future endeavors,” dagdag ng ahensya.
Sa kanyang resignation letter na may petsang Agosto 9, inihayag ni Pialago na ang kanyang desisyon na iwan ang LTFRB “has not been an easy one.”
“After much consideration, I have decided that it is time for me to move forward and pursue new challenges in my career,” wika ni Pialago.
Nagsilbi si Pialago, dating beauty pageant contestant, bilang tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Tumakbo rin ito bilang party-list representative sa 2022 elections subalit hindi nanalo. RNT/SA