Home ENTERTAINMENT Igan, nakarekober na mula sa stroke!

Igan, nakarekober na mula sa stroke!

Manila, Philippines – Mabuti-buti na ngayon ang kalagayan ni Arnold Clavio makaraang magkaroon ng hemorrhagic stroke nitong June 11.

Post ni Igan sa kanyang Instagram nitong June 14, pauwi na raw siya mula sa Eastridge Golf Course sa Angono, Rizal nang manakit daw ang kanyang braso’t binti.

Hindi rin daw nakayang iapak ang paa sa pedal ng gas at brake ng kanyang sasakyan.

Minabuti niyang huminto sa restroom ng isang gas station para itsek kung tumabingi ang kanyang mukha o maga ang mga mata.

Nang walang mapansin, nagpatuloy si Igan sa pagmamaneho pero determinadong magtungo sa unang ospital on the road.

Sa ER ng Fatima University Hospital siya napadpad where tests were run on him.

Nasuring umabot daw sa 220/120 ang kanyang blood pressure at 270 naman ang kanyang blood sugar.

Sa isinagawang CT scan kay Arnold, napag-alamang nagkaroon siya ng slight bleeding sa kaliwang bahagi ng kanyang utak.

Hemorrhagic stroke ang tawag doon kung saan may ugat na pumutok sa kanyang blood vessel.

“Feeling okay doesn’t mean you’re okay. Listen to your body. Traydor ‘yang hypertension na ‘yan!” pagbabahagi ni lgan.

Agad din siyang inilipat sa St. Luke’s Medical Center at kasalukuyang nagpapagaling.

Itinuturing namang milagro ng batikang brodkaster ang kanyang recovery. Ronnie Carrasco III