Home IN PHOTOS Ika-131 taong anibersaryo ng La Liga Filipina

Ika-131 taong anibersaryo ng La Liga Filipina

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Lunes, July 3, 2023 sa Tondo, Maynila ang ika-131 pagkakatatag ng La Liga Filipina.

Kaugnay nito, nagsagawa ng wreath laying ceremony sa Bantayog ng Liga Filipina sa Ylaya Street sa Tondo, Maynila kung saan isa rin itong historical marker.

Pinangunahan ang seremonya ng mga miyembro ng Grand Liga Soberana del Archipelago Filipino sa ilalim ng patnubay ng Supremo Consejo del Gradi 33 del Gran Oreinte de Filipinas.

Kasama rin nakibahagi sa selebrasyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila, National Historical Commission of the Philippines, MPD Station-2 at mga opisyal ng Brgy. 7. Kuha ni Crismon Heramis