MANILA, Philippines – Ginunita ng National Press Club ang ika-16 na taon ng madugong Ampatuan massacre kung saan 58 katao ang nasawi at 32 ang mga Journalist na nadamay at nalibing sa hukay sa Ampatuan Maguindanao.

Isinagawa ang banal na Misa at kalaunan ay pagbabasbas sa Marker sa loob ng National Press Club at pagtitirik ng mga kandila sa pangunguna ni NPC President Leonel Boying Abasola, at mga opisyal nito. Kinatawan naman ni Atty. Francis Rupert C. Mangrobong ng Presidential Task Force On Media Security (PTFOMS) si USEC. JOE TORRES sa isinagawang Komemorasyon. Crismon Heramis








