Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas City ang ika-29 anibersaryo ng pagiging lungsod at ika-119 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng isang buwang serye ng mga aktibidad sa pangunguna nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar.
Sinimulan ang selebrasyon noong Marso 11 sa pamamagitan ng nationwide mass anti-rabies vaccination kasabay ng National Rabies Awareness Month, na sinundan ng oral health program sa ilang barangay noong Marso 12 hanggang 13. Inilunsad din ang anniversary billboards at binuksan ang 29th Cityhood Bazaar noong Marso 23, gayundin ang tatlong araw na exhibit ng United Artist of Las Piñas at Sarao jeepneys.







