MANILA, Philippines – Nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa publiko na ang pinakamahalagang panlaban umano sa krisis ay ang pagiging handa.
Ito ay kasabay pa ng inaasahang mga darating na buwan ng mahirap na sitwasyon dahil sa banta ng El Nino at mga pagbaha.
“Sa ating pagtitipid, unahin natin ang sapat na pagkain para sa ating pamilya, pagpapagamot sa may sakit, at ang edukasyon ng ating mga anak. Simulan na nating planuhin ang ating mga hakbang hanggang sa katapusan ng taong 2026,” pahayag ni VP Sara.
“Maliit man ang tanggapan ng pangalawang pangulo, makakaasa kayo na bawat isa sa amin ay patuloy na naglilingkod at naghahanap ng paraan upang makatulong,” sinabi pa niya. RNT/JGC