Home HOME BANNER STORY Ika-39 EDSA People Power Revolution anniversary ginunita ng mga Pinoy

Ika-39 EDSA People Power Revolution anniversary ginunita ng mga Pinoy

278
0

MANILA, Phlippines – Ginunita ng mga Pilipino ang ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nitong Martes sa pamamagitan ng simpleng seremonya.

Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang pag-aalay ng bulaklak at pagtataas ng watawat sa People Power Monument sa Quezon City, habang nagsagawa rin ng programa ang Human Rights Violation Victims’ Memorial Commission.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano ng National Shrine of Mary, Queen of Peace, nakatuon ang kanilang aktibidad sa pananampalataya, kabilang ang pagdiriwang ng Banal na Misa. Binanggit din niya ang mahalagang papel ng Mahal na Birhen sa mapayapang tagumpay ng rebolusyon.

Ang EDSA Revolution noong 1986 ay nagpatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagluklok kay Corazon Aquino bilang pangulo. Idineklara itong special working day ngayong taon, at ilang paaralan ang nagsuspinde ng klase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here