Home HOME BANNER STORY Estudyante ng BGC dinukot sa $20M ransom

Estudyante ng BGC dinukot sa $20M ransom

MANILA, Philippines – Nakabalik na sa pamilya pero putol ang daliri ng tinangay na estudyante ng high-end private school sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ang tinutukoy sa ulat ay ang isang 14-year-old Malaysian-Chinese student mula sa isang prestigious private school sa Bonifacio Global City.

Sa isang ulat, sinasabing mismong ang drayber ng pamilya nito ang tumangay sa estudyante at ipinatutubos ng 20 milyon US Dollar.

Gayunman, hindi pa matiyak kung nagbayad ng ransom ang pamilya.

Tiniyak naman sa isang sulat ng pamunuan ng paaralan na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga estudyante at nagbigay na sila ng counselling at emotional support sa mga estudyante, gayundin sa biktima ng pagdukot.

Samantala, sa private message ng Southern Police District sa REMATE, sinabing nasa hurisdiksyon na ngayon ng PNP Anti Kidnapping Group ang insidente, at masusing iniimbestigahan ito. Dave Baluyot