Manila, Philippines – Tinatayang mahigit P700,000 lang ang kinita ng pelikula nina Nora Aunor at Bianca Umali nang magbukas ito nitong February 19, Huwebes.
Ito’y ang Mananambal sa direksyon ni Adolph Alix.
Medicinal healer ang papel na ginagampanan dito ni Nora.
Umaasa ang mga masugid na fans ni Ate Guy na makakabawi ang pelikula sa mga susunod na araw.
Sayang dahil napakasipag pa namang mag-promote ni Bianca.
Nag-Best Actress din siya dito sa isang international film festival sa Japan last year.
Bale ba, may panawagan ang isang diehard Noranian sa Facebook account nito sa kanyang mga kabaro na suportahan ang opening day ng Mananambal.
In fairness, hindi lang ang Nora movie ang mahina sa takilya.
Maging ang Ex Ex Lovers nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin ay hindi rin pumalo.
Obyus na tamad na tamad ang mga kababayan nating manood sa mga commercial theatre.
Ayon nga sa tanong ng isang PEP columnist, napapansin niyang tila hinihintay na lang ng karamihan sa ating mga kababayan na ipalabas ang ating mga pelikula sa mga streaming platforms.
Itinuturong dahilan din ang mahal na presyo ng panonood ng sine.
Kailangan daw magkaroon ng “healer” para magamot ang nakakalungkot na kalagayan ng industriya. Ronnie Carrasco III