MANILA, Philippines – Idinipensa ng Malakanyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon na huwag ideklara ang ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bilang special non-working day.
“I think it is the prerogative of the President,” pahayag ni Palace press officer Undersecretary Claire Castro.
Iginiit niya na hindi pinipigilan ng desisyon ni Marcos na huwag ideklarang non-working day ang EDSA anniversary para magsagawa ng anumang aktibidad na gugunita sa event.
Nang tanungin kung pinabababaw ng hindi pagdedeklara ng holiday ang kabuluhan ng EDSA, sinabi niya na, “We don’t think so.”
Sa mga nagdaang taon, ang EDSA People Power Revolution anniversary ay itinatakda bilang isang special non-working holiday ngunit ngayon ay idineklara itong special working day.
Dahil dito ay kinailangan ng ilang mga paaralan na magdeklara ng suspensyon ng klase para gunitain ang okasyon. RNT/JGC