MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdedeklara ng kanyang pagtakbo sa 2028 presidential election, inihain naman sa Kamara ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang complaint ay tinanggap ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil alas-7:00 ng gabi.
Ang naghain ng reklamo ay si Nathaniel Cabrera, residente ng Lemery, Batangas.
Ang nag-endorso ng impeachment sa Kamara ay sina Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante.
Tumanggi ang dalawang mambabatas na magbigay ng anumang pahayag ukol sa inendorso nilang impeachment. Gail Mendoza