MANILA, Philippines – Nagsimula na ang gawain ng mga kapatid na Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila bilang bahagi ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Ramadan.
Bandang alas-7 kagabi ay nagsimulang dumagsa ang mga nagsamba sa mosque bilang bahagi ng banal na buwan ng Ramadan.
Ang Ramadan ang pinakabanal na buwan para sa mga Muslim kung saan isinasagawa ang pag-aayuno mula madaling araw hanggang paglubog ng araw.








