Home NATIONWIDE Ikalawang kaso vs Tsina inihahanda ng Pinas

Ikalawang kaso vs Tsina inihahanda ng Pinas

MANILA, Philippines – Dedeisyunan ng Pilipinas kung saan international forum ihahabla ang China dahil sa nasirang yaman sa karagatan.

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isusulong na ng bansa ang ikalawang kaso laban sa Beijing dahil sa patuloy na pagpasok sa West Philippine Sea.

“We’re in discussion and the decision has to come very soon,” ani Remulla.

Sinabi ng kalihim na ang kaso laban sa China ay suportado ng maraming ebidensya mula sa Philippine Coast Guard at iba pang ahensya.

Kabilang sa pinag-aaralan ng Pilipinas na venue para sa isasampang ikalawang kaso laban sa Beijing ay sa Permanent Court of Arbitration o sa International Court of Justice.

Iginiit ng DOJ ang kahalagahan ng kaso na inaasahan na maisasampa ngayong taon.

“This is a civil case. We look for damages. We want to be awarded damages for that,” pahayag ng kalihim.

Ilan beses nadidkubre ng Pilipinas ang mga aktibidad ng Tsina gaya ng dredging, coral harvesting at pagtatayo ng artificial islands. Lahat ng ito ay nagdulot ng malubhang pinsala sa coral reefs at marine biodiversity. Teresa Tavares