Home METRO Ikalawang lindol, yumanig sa Zambales

Ikalawang lindol, yumanig sa Zambales

1
0

ZAMBALES, Philippines – Naitala ang ikalawang lindol sa Zambales nitong Lunes ng umaga, wala pang isang oras matapos ang magnitude 4.6 na pagyanig, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, magnitude 4.4 ang ikalawang lindol na naitala sa lalim na 18 kilometro, habang ang epicenter nito ay nasa 37 kilometro hilaga ng Palauig, Zambales.

Naramdaman ang lindol sa Intensity II sa Masinloc, Candelaria at Iba, at Intensity I sa Santa Cruz. Naitala rin ang Instrumental Intensity II sa Masinloc.

Nauna rito, isang magnitude 4.6 na lindol ang naitala sa lalim na 10 kilometro, na may epicenter na 47 kilometro hilaga ng Palauig. Naitala rin ito sa Instrumental Intensity II sa Masinloc.

Wala namang agarang naiulat na pinsala o nasaktan dahil sa mga pagyanig. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here