MANILA, Philippines – Narekober na ng Search and Rescue (SAR) teams mula sa Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL), katuwang ang iba pang ahensya, ang bangkay ng ikalawa at huling nawawalang pasahero sa insidente ng pagtawid sa spillway sa Barangay Colongan, Rosario, Batangas noong Oktubre 3, 2026.
Bandang 8:30 ng umaga nitong Oktubre 5, 2026, natagpuan ng search teams ang labi humigit-kumulang 800 metro mula sa spillway pababa ng Pinansingin River sa Sitio Kilo, Barangay Colongan.
Ito ay matapos ang walang tigil na aerial support ang mga tauhan ng distrito.
Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang Philippine Coast Guard (PCG) at mga ahensya ng local disaster management sa mga pamilya ng mga biktima.
Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko at sa mga motorista na mag-ingat at iwasang tumawid sa mga spillway at ilog kapag mataas ang tubig o malakas ang agos. Jocelyn Tabangcura-Domenden