MANILA, Philippines – Natagpuan ng search and retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilan pang sako sa Taal Lake, Batangas.
Ngayong araw, sinimulan ang search and retrieval operation sa mga labi ng mga nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa lawa ng Taal Lake sa loob ng apat na taon mula 2021.
Wala pa namang ibinibigay ang PCG na eksaktong bilang ng mga sako na hinihinalang naglalaman ng buto ng tao na natagpuan sa lawa.
Nitong Huwebes ng hapon, nadiskubre rin ang isang sako na may laman umanong buto ng tao, ngunit sasailalim pa ito sa forensic examination, ayon na rin sa Department of Justice (DOJ).
Samantala, alas-dos ngayong hapon ay magsasagawa ng press briefing si Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, kaugnay sa resulta ng unang araw ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)