Home ENTERTAINMENT Vice, may patutsada kina Mother Ricky at Mama Rene!

Vice, may patutsada kina Mother Ricky at Mama Rene!

250
0

MANILA, Philippines — Umugong ang ispekulasyon na may matinding patutsada si Vice Ganda laban kina Mother Ricky Reyes at Mama Rene Salud sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng umano’y anti-LGBTQIA+ nilang pahayag.

Sa vlog ni Toni Gonzaga, nagpahayag ang dalawa ng pagtutol sa same-sex marriage, at sinabing may “sense of entitlement” na raw ang mga bading ngayon.

Hindi ito pinalampas ng LGBTQIA+ community, pati na si Vice, na sa “It’s Showtime” ay naghayag ng mensahe:
“Hindi porke’t matanda ka na at may pera ka na, iiwanan mo ‘yung mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyo na nakukuha mo.”

Tiwala ang mga netizens na para kina Reyes at Salud ang banat ni Vice. Ani pa ng mga kibitzers:

“Louder para sa mga amoy lupa na!”
“Nahiya ‘yung dalawang matandang bakla—galit sa same-sex marriage pero may mga jowa naman!”

Sa gitna ng panawagan ng pagkakapantay-pantay, sinabi ng fans:
“Toleration is not acceptance. We want equal rights, not crumbs.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here