Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng bansa, uulanin sa Habagat

Ilang bahagi ng bansa, uulanin sa Habagat

178
0

MANILA, Philippines- Magpapaulan ang southwest monsoon o Habagat sa bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Mindanao, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, at hilagang bahagi ng Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.

Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon ay moderate to strong patungong southwest to west direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Inaasahan sa Visayas at Mindanao ang light to moderate wind speed patungong southwestward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:42 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:21 ng hapon. RNT/SA

Previous article₱10M shabu nadiskubre sa fast food chain
Next article141 dagdag-kaso ng COVID naitala ng Pinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here