Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng bansa uulanin sa ITCZ, easterlies

Ilang bahagi ng bansa uulanin sa ITCZ, easterlies

MANILA, Philippines – Apektado ng dalawang weather system ang bansa na magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, patuloy na magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Easterlies naman ang makakaapekto at magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa
Aurora at Quezon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC