MANILA, Philippines- Iiral ang maulap na kalangitan at ulan sa sa bansa dahil sa ilang weather systems, ayon sa PAGASA nitong Sabado ng umaga.
Sinabi ng weather bureau na makararanas ang Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line.
Magiging maulan din sa Davao Region at SOCCSKSARGEN dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Inaasahan naman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon (Amihan).
Makararanas ang natitirang bahagi ng Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”
Iiral ang strong to gale-force winds at rough to very rough coastal waters sa Northern Luzon at sa eastern sections ng Central at Southern Luzon.
Posible naman ang moderate to strong winds at moderate to rough coastal waters sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng light to moderate winds at slight to moderate coastal waters. RNT/SA