Home METRO Ilang Catholic schools #WalangPasok sa Peb. 25 para sa EDSA People Power...

Ilang Catholic schools #WalangPasok sa Peb. 25 para sa EDSA People Power anniv

MANILA, Philippines- Nag-anunsyo ang ilang Catholic schools sa Pilipinas ng class suspensions sa Feb. 25, 2025, upang gunitain ang 39th EDSA People Power anniversary.

Sinabi ng EDSOR, isang consortium ng mga paaralan sa EDSA-Ortigas area, na nagkasundo ang mga institusyon nito na ituring ang 1986 uprising na nagresulta sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. bilang isang special non-working holiday “despite MalacaƱang’s exclusion of this historical event.”

Kabilang sa mga miyembro ng EDSOR ang La Salle Green Hills, Saint Pedro Poveda College, Xavier School, at Immaculate Conception Academy.

Idineklara ng opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang EDSA People Power Revolution anniversary sa Feb. 25, 2025, bilang isang special working day. Noong nakaraang taon, sinabi ng MalacaƱang na hindi nito isinama ang February 25, 2024 sa listahan ng special non-working days dahil tumapat ang petsa sa araw ng Linggo.

“Recognizing our responsibility as educational institutions, we remain committed to preserving the relevance of the EDSA People Power Revolution, particularly for our current and future generations of students. We will continue to keep the spirit of EDSA alive despite active efforts to undermine it,” wika ng EDSOR.

Idinagdag nito na “the freedoms we enjoy today were hard-won, and we owe it to the next generation that we protect and safeguard the same.”

Nag-anunsyo ang De La Salle Philippines ng hiwalay na pahayag sa kanselasyon ng kanilang Feb. 25, 2025 classes “to commemorate this shining moment in history, when the collective power of the people prevailed over corruption, abuse, lack of accountability among public officials, and social injustice.”

Nakiisa rin ang University of Santo Tomas sa Catholic schools sa pagsuspinde sa mga klase sa February 25, kung saan hinikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa religious at academic activities upang gunitain ang EDSA People Power revolt.

Samantala, hinimok ng sectors regents ng University of the Philippines si UP President Angelo Jimenez na ideklara ang February 25 bilang isang non-working holiday at alternative learning day. RNT/SA