Home NATIONWIDE Ilang elemento ng SB1979 posibleng i-veto ni PBBM

Ilang elemento ng SB1979 posibleng i-veto ni PBBM

MANILA, Philippines- Agad na ibe-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang elemento na nakapaloob sa SB 1979 ang Batas sa Pagpigil ng Teenage Pregnancy kapag ipinilit na ilusot ito nang hindi narerepaso.

Ang dahilan ng Pangulo, nito lamang kasing weekend, sa wakas ay nabasa niya ang detalye ng SB 1979 at laking gulat niya at kinilabutan umano siya sa ilang elemento na nakapaloob dito.

“Because this is, all this woke that they are trying to bring into our system. You will teach four year olds how to masturbate. That every child has the right to try different sexualities,” ayon sa Pangulo.

“Pero yung mga sinama nila na woke na absurdities are abhorrent to me. And I am already guaranteeing, hindi pa napasa ito, pero if this bill is passed in that form, I guarantee all parents, teachers, and children, I will immediately veto it,” pagtitiyak ng Pangulo.

“This is ridiculous, this is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children. What about the parents? Wala na silang karapatan na sila ang magdecide kung ano at kailan tuturuan yung bata. We all, I’m a parent and I’m a grandparent. So I feel very strongly about this,” ang winika pa ng Pangulo sabay sabing, “So let me be very, very clear. I still believe that sex education in terms of teaching kids anatomy, of the reproductive systems of males and females is extremely important. Consequences of early pregnancy. The prevalence of HIV. Kailangan ituro lahat yan para alam ng mga kabataan.”

Sinabi ng Chief Executive na nito lamang nakaraang Huwebes, hiningi ang kanyang opinyon ukol sa sex education sa mga paraalan.

Pinanindigan aniya niya ang kanyang sagot na ang sex education ay ‘extremely important.’

“When I was talking about sex education, I remembered our sex education when I was in school. At ang itinuro sa amin ay anatomy. What are, what is the anatomy of male and female, reproductive systems. Naalaala ko pa, nanood kami ng video ng mga cell na nagdi divide para maging baby. Yun ang tinuro sa amin, kailangan talagang malaman ng mga kabataan yan,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na dahil sa dumadaming kaso ng teenage pregnancy, single mother at maging ng mga sakit na may kaugnayan dito, mahalaga na maituro ang sex education sa mga paaralan.

Kasama na rin aniya sa usaping ito na pagka-teenager ang nanay ay hindi marunong mag-alaga ng bata at maging kanilang sarili kapag nabuntis na sila, maging ang kakainin at ipakakain sa bata.

Bukod dito, dapat din aniyang magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa mga opsyon na available at kung ano ang kakahinatnan at mga epekto ng pagkakaroon ng anak ng masyadong maaga.

“Children having children is very difficult situation for both the child and the parent,” sabi pa ng Pangulo. Kris Jose