Home METRO Ilang flood control projects, “hastily prepared” -DPWH

Ilang flood control projects, “hastily prepared” -DPWH

320
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsumite ang Department of Public Works and Highways ng listahan ng lahat ng flood control projects sa ilalim ng administrasyong Marcos sa gitna ng panawagan ng Pangulo na alisin ang mga ghost projects.

Sinabi ni DPWH Secretary Emmanuel Bonoan na nagpapasalamat siya na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakatutok sa pagkontrol sa baha, at nagsasabing patuloy na tumataas ang mga hamon na kinakaharap ng pamahalaan.

“Computerized naman lahat ng monitoring namin sa lahat ng mga projects sa department so it’s just a matter of taking it out from each district or region, anong category, magkano cost,, anong status. Pwede naming ibigay kay presidente,” aniya.

“When we assumed office dito sa administrasyon ni Presidente..nadatnan namin talaga na matindi ang pangangailangan natin sa pag-address ng flood control dito sa ating bansa. We did not inherit a bed of roses. Sa tinagal-tagal ng panahon, mas marami ang kailangang gawin para sa mga flood control projects.”

Ang isang hamon na kinakaharap ng DPWH ay ang heavily silted na mga ilog, na malaking kontribusyon sa problema sa pagbaha, aniya.

Inamin din niya na habang ang ilang mga flood control projects ay “properly engineered”, ang mga badyet para sa paghahanda ng proyekto ay “cut down to the barest minimum but we did our best with it.”

Ibinunyag niya na ang ilang mga proyekto ay idinagdag pa pagkatapos ng General Appropriations Act.

“Nadadagdag ng nadagdag. These are hastily prepared, some of them are hastily prepared…We have to see that the projects are worthwhile at walang corruption,” wika niya.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes ang pagsisiyasat sa posibleng katiwalian sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha, na lumitaw ngayong buwan nang ang mga monsoon rain na dala ng mga bagyo ay nagdulot ng mga baha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Kitang-kita ko na maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho. Yung iba ay guni-guni lang. Huwag na po tayong magkuyari, alam naman ng buong madla na nagkakaraket sa mga proyekto: mga kickback, mga initiative… SOP, for the boys,” saad ni Marcos sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here