Home NATIONWIDE Ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery binuksan na

Ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery binuksan na

3
0

MANILA, Philippines — Muling binuksan sa mga motorista ang ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) matapos ang ipinatupad na road closures para sa paggunita ng Undas.

Kabilang sa mga maaari nang daanan ng mga sasakyan ang Dimasalang Street, A. Bonifacio Avenue, Maceda Street at Blumentritt Road.

Ayon kay Manila Police District (MPD) spokesperson Major Philipp Ines, napagpasyahang buksan ang mga kalsada alas-12 ng hatinggabi bilang paghahanda sa inaasahang pagbalik sa Metro Manila ng mga biyaherong nagbakasyon sa mga probinsya.

Patuloy pa rin naman ang pagdagsa ng mga bumibisita sa Manila North Cemetery nitong Nobyembre 2.

Nakapagligpit na rin ng kanilang mga paninda ang karamihan sa mga vendor sa paligid ng sementeryo, habang malinis na ang kahabaan ng Blumentritt Road.

Samantala, umabot na sa 139,000 ang bilang ng mga bumisita sa Manila North Cemetery ngayong araw.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here