Home METRO Ilang kalsada sa San Juan isasara sa prusisyon ngayong Linggo, Hunyo 9,...

Ilang kalsada sa San Juan isasara sa prusisyon ngayong Linggo, Hunyo 9, 2024

MANILA, Philippines- Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng San Juan City nitong Sabado na isasara ang ilang kalsada ngayong Linggo ng hapon para sa pagsasagawa ng prusisyon ng patron saint ng lungsod.

Sinabi ng local government na magpapatupad ng rerouting kapag nagsimula na ang prusisyon ng imahe ng St. John the Baptist.

“Notice is hereby given to the public that portion from F. Blumentritt St. corner A. Bonifacio St. to F. Blumentritt St. corner M. Salvador and J. Arellano St. to Dr. A. Ejercito St. will be closed temporarily from 4 p.m. to 6 p.m. to give way for the Traslacion of the 130-year old Image of St. John the Baptist,” anito sa isang Facebook post.

Inirekomenda rin ng mga awtoridad ang sumusunod na alternatibong ruta:

Alternate route patungong N. Domingo St.

  • Mula F. Blumentritt St. cor. F. Manalo St. hanggang F. Manalo St. cor. N. Domingo St.

Alternate route patungong F. Manalo St. cor. F. Blumentritt St.

  • Mula N. Domingo St. pumasok sa F. Blumentritt St. saka kumanan sa M. Salvador St.

“Thank you for your understanding,” dagdag nito. RNT/SA