Home METRO Traffic rerouting scheme kasado sa Independence Day

Traffic rerouting scheme kasado sa Independence Day

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng pansamantalang pagsasara ng kalsada sa Maynila upang bigyang-daan ang ika-126 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga, ang mga sumusunod na kalsada ay pansamantalang isasara sa trapiko:

  • Roxas Blvd – parehong hangganan mula T. M. Kalaw hanggang P. Burgos

  • T. M. Kalaw – mula kay Ma. Orosa hanggang Roxas Blvd. westbound

Mula ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, pansamantalang isasara ang mga sumusunod na kalsada sa trapiko: 

  • Roxas Blvd. – mula UN Avenue hanggang P. Burgos Ave. (parehong lane)

  • T. M. Kalaw – magkabilang panig mula sa Roxas Blvd. hanggang Taft Ave. 

  • P. Burgos Avenue – magkabilang panig at Finance Road Bonifacio Drive – mula sa Anda Circle hanggang P. Burgos Ave.

Ang mga katabing kalsada sa loob ng Rizal Park at Quirino Grandstand ay gagamitin din para sa okasyon. 

Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga trucker, driver, at motorista na dumaan sa mga natukoy na alternatibong ruta sa panahon ng pagsasara.

Para sa mga pampublikong sasakyan at pribadong sasakyan na papunta sa hilaga (north): Roxas Blvd. kumanan sa Quirino Ave. o United Nations Ave., pagkatapos ay kumaliwa sa Taft Ave. patungo sa destinasyon. 

Para sa mga pribadong sasakyan: Mula sa R-10 papuntang Anda Circle, kumaliwa sa Soriano Ave, kumanan sa Solana St., kumaliwa sa Muralla St., pagkatapos ay dumiretso sa Magallanes Drive, kumanan sa P. Burgos Ave. hanggang sa destinasyon. .

Para sa trucks na papunta sa northbound at southbound: South Luzon Expressway, Osmeña Highway, Quirino Ave., Nagtahan St., Lacson Ave., Yuseco St., Capulong St., R-10 Road, hanggang sa kanilang destinasyon.

Ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabatay sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ni MMDA Acting Chair Don Artes na may kabuuang 1,156 enforcer ang ipakakalat sa mga strategic location upang matiyak ang maayos na pamamahala sa trapiko. 

Ang mga ambulansya, military truck , mga dump truck, tow truck at iba pang resources ay ipadadala rin.

Ang mala-festival na pagdiriwang ay gagawin sa Hunyo 10 hanggang 12 sa Rizal Park.

Naghanda ng mga aktibidad para sa publiko ang mga ahensya ng gobyerno at non-government organizations.

Samantala, maglalagay ang Land Transportation Office ng mga booth sa Rizal Park sa Hunyo 10 at 11 para sa pagproseso ng student permits, renewal ng driver’s license at retrieval o pagpapalit ng password ng Land Transport Management System portal accounts. 

Ang libreng medical examination, isang kinakailangan para makakuha ng lisensya, ay maaari ding ma-avail ng unang 100 aplikante simula alas-7 ng umaga sa Hunyo 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden