Home NATIONWIDE Ilang kilalang politiko, personalidad naghain ng COC sa Antipolo special polls

Ilang kilalang politiko, personalidad naghain ng COC sa Antipolo special polls

186
0

MANILA, Philippines – May kilalang mga pulitiko at personalidad na naghain ng kandidatura para sa ikalawang distrito ng Antipolo para sa special elections matapos ang filing ng Certificate of Candidacy para punan ang na bakanteng pwesto ni dating Rep. Romeo Acop.

Kaya inaasahang may pito na opisyal na kandidato kasama ang isang ordinaryong mamamayan mula sa Antipolo na tumakbo sa halalan.

Ayon kay Garcia, maituturing na maganda ang kinalabasan ng filing of candidacy dahil nagpapakita ito ng pagiging masigla at buhay ng demokrasya sa ikalawang distrito ng Antipolo.

Sa pagtatapos ng en banc session ng Comelec at matapos isumite at aprubahan ang opisyal na listahan ay asahang ilalabas na ang final list ng mga kandidato.

Sa kasalukuyan, wala pa umanong natatanggap na petisyon ang Comelec para i-disqualify o kanselahin ang kandidatura ng alinman sa pitong aspirante.

Nilinaw rin ng Comelec na ang gaganaping halalan ay manual election, kung saan hindi naka-print ang mga pangalan ng kandidato sa balota at isusulat mismo ng mga botante ang pangalan ng kanilang napiling kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here