Ikinasa ng tatlong dating miyembro ng Viva Hot Babes ang kanilang post-holiday break patungo sa isang undisclosed destination.
Nitong nakaraan lang, ibinahagi ng isa kina Andrea del Rosario, Katya Santos at Maui Taylor ang litrato nilang tatlo na magkakatabi sa eroplano.
Hindi malinaw kung domestic o international ang flight nila.
Pero mismong si Katya ang nagsabing: “Bakasyon lang po!”
Sinegundahan ito ni Andrea ng: “Once again, there’s no reunion!”
In a sense, the former members of the then-popular all-female group quashed rumors na magkakaroon sila ng reunion show in the tradition of Sex Bomb Girls.
Marami kasing mga fans na humihirit na magbuklud-buklod din ang VHB.
Ani Andrea, kung mangyayari daw ‘yon ay kailangan nilang mag-isip ng gimmick.
Aminado ang aktres na dating pumalaot din sa pulitika na ‘di tulad ng Sex Bomb Dancers, sila’y hindi mga professional dancers kundi mga model at aktres.
Ayon naman sa iba nilang mga kasamahan, bagama’t hanga silang lahat sa SBD ay wala silang planong magtanghal ng reunion show.
Manaka-naka’y lumalabas pa din ang ilan sa kanila sa TV at mga pelikula unlike SBD na tila tanging si Rochelle Pangilinan lang ang aktibo bilang artista bilang Kapuso star. Ronnie Carrasco III