Manila, Philippines – Sa ibang mas makabuluhang larangan daw ang calling ni Sylvia Sanchez–hindi pulitika.
Usap-usapan kasi na tulad ng anak na si Quezon City Rep. Arjo Atayde, papalaot na din sa local politics ang actress-film producer.
Specifically, mayor daw ang target nito.
May maternal image daw kasi si Sylvia whose heart goes out to the masses na maaari niyang kalingain.
“Paano ako magme-mayor ng QC, hindi nga ako naging kagawad?
“Hindi totoo ‘yon. If ever, mag-uumpisa muna ako sa ibaba!” pagkontra niya.
But seriously, politics daw is not Sylvia’s cup of tea.
Kung hindi, ano at saan sa tingin niya mas swak siya?
“Mukhang ito na ang calling ko,” ani Sylvia na ang tinutukoy ay ang pag-aalaga sa mga baguhang artista, particularly ang mga isinama ng Nathan Studios sa MMFF 2025 entry na I’m Perfect.
Mgq bida doon ang mga Persons with Down Syndrome–nag-Best Actress pa nga si Kristel Go.
Sa katunayan, nahanapan na daw ng endorsements ni lbyang ang ilan sa kanila–who are now under her Nathan Studios Artist Management.
“Ito ‘yung mission ko, ang talagang calling ko,” saad niya.
Sylvia considers these Persons with DS her angels in life who give her a different high. Ronnie Carrasco III