Home METRO Ilang parte ng EDSA northbound, southbound sarado mula Agosto 9 ‘gang 12,...

Ilang parte ng EDSA northbound, southbound sarado mula Agosto 9 ‘gang 12, 16-19, 23-26

MANILA, Philippines- Bahagyang isasara ang ilang bahagi ng northbound at southbound lanes ng EDSA mula Agosto 9-12, 16-19, at 23-26 para sa road repairs, base sa Department of Public Works and Highways-National Capital Region nitong Biyernes.

Magsasagawa ang DPWH-NCR ng asphalting activities simula alas-11 ng gabi ngayong Agosto 9.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod: 

  • EDSA northbound sa Mandaluyong City, kasunod ng Guadalupe Bridge hanggang Shaw Boulevard

  • EDSA southbound sa San Juan City, mula Connecticut hanggang Ortigas Avenue

“To minimize further disruption of traffic flow in the area, the road repair works will be conducted during weekends, which will start on August 9, 2024 at 11 p.m. Once completed, closed lanes will be immediately opened to traffic before 5 a.m. every weekends for the convenience of the road users,” saad sa abiso ng DPWH-NCR.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta o adjacent lanes sa kasagsagan ng asphalt overlay. RNT/SA