Home METRO Dating pulis-Maynila isinelda sa KFR, serious illegal detention

Dating pulis-Maynila isinelda sa KFR, serious illegal detention

MANILA, Philippines- Arestado ang isang dating pulis-Maynila na wanted sa krimeng may kinalaman sa Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention.

Batay sa ulat, si PCpl Marcelino Dela Cruz Pedrozo III ay dating nakatalaga sa Intelligence Operative sa Manila Police District Station 1 ang nasabing parak.

Si Pedrozo ay naaresto nitong Huwebes ng tanghali sa mismong RHSU, NCRPO Camp Bagong Diwa, sa Bicutan, Taguig City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gener M. Gito, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 257, Paranaque City na may petsang Agosto 5,2024 para sa nasabing mga paglabag.

Pinangunahan ang operasyon ng pinagsanib na mga tauhan ng AKG-LFU na siyang lead unit kasama ang Regional Intelligence Division, NCRPO.

Batay sa mga tala, si Pedrozo ay sangkot sa kidnapping sa biktima na si Zhou Bo at iba pa noong Enero 28 dakong alas-2 ng hapon sa Lot 2B, Wing-An Garden Resort, Unit G, Matthew Generoso, Multinatinal Village, Brgy. Moonwalk, Paranaque City. Jocelyn Tabangcura-Domenden