Home ENTERTAINMENT TVJ, sinagot ang isyung tinipid ang 45th anniv ng EB!

TVJ, sinagot ang isyung tinipid ang 45th anniv ng EB!

Manila, Philippines – Nanibago kamakailan ang mga loyal viewers ng Eat Bulaga nang hindi man lang ginawang engrande ang kanilang 45th anniversary episode.

Nasanay na nga naman ang mga manonood na in the past celebrations ay idinaraos ito sa

Philippine Arena, Mall of Asia, Araneta Coliseum and other big venues.

Bali-baligtarin man kasi ang mundo, mahirap nang igupo ang Eat Bulaga bilang the longest noontime show sa bansa.

Marami na nga ang nangahas tumapat dito, pero so far, ang masasabing nagtagumpay lang ay ang It’s Showtime which remains on air.

Bakit nga ba kung kailan nagselebra ng ika-45 taon ang EB ay saka naman sila nagtipid?

Ayon mismo sa TVJ–ang haligi ng programa–hindi pagtitipid ang kanilang ginawa.

Nagbigay ng tatlong dahilan si Bossing Vic Sotto.

Isa nga rito’y ang pagtugon sa hamon ng panahon.

Nagkataon kasing tumapat ang pagdiriwang ng show sa aftermath ng nagdaang bagyong Carina.

Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan ang grabeng pinsalang idinulot nito.

Kaya naman sa halip daw na gumastos sila’y naisip ng EB na tugunan ang mga pangangailangan ng mga typhoon victims.

Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda na dati na namang ginagawang misyon ng EB.

Bukod dito’y sinimulan uli ng show ang pagbibigay ng college scholarship grants sa 30 deserving na mag-aaral.

Nangako namang babawi ang TVJ sa kanilang ika-50 anibersaryo dubbed as Five Years to Five Decades. Ronnie Carrasco III