Home METRO Ilang residente sa Cebu natulog sa plastik matapos masalanta ng lindol

Ilang residente sa Cebu natulog sa plastik matapos masalanta ng lindol

349
0

CEBU CITY, Philippines – Bukod sa patuloy na pangamba sa aftershocks, panibagong pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mga nakaligtas sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30—ang tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan.

Sa Barangay Pandan Mahawak sa bayan ng Medellin sa hilagang bahagi ng Cebu, maraming residente ang natutulog sa ilalim ng plastik dahil walang maayos na matutuluyan, kulang sa kamping tent, at walang maayos na evacuation center. Pinapayuhan pa rin silang manatili sa labas ng kanilang mga bahay dahil patuloy pa rin ang aftershocks na maaaring magdulot ng panganib.

“Wala kami sa evacuation center kasi malayo ito sa amin. Noong lumindol, agad din nawala ang kuryente. Kaya ang plano namin, umakyat na lang ng bundok para iwas tsunami,” paliwanag ng isang residente.

Ibinahagi rin niya na bahagyang nasira lang ang kanilang bahay, pero marami sa kanilang mga kapitbahay ang tuluyang nawalan ng tirahan.

Habang hindi pa ligtas bumalik sa mga bahay o gusali, kinakailangan ng mga residente ng pansamantalang masisilungan, bukod pa sa pagkain at tubig. Patuloy nilang tinitiis ang ulan at kakulangan sa suplay habang hinihintay ang tulong. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here