Home NATIONWIDE Ilang senador nagbitiw sa pwesto kasunod ng resignation ni Zubiri

Ilang senador nagbitiw sa pwesto kasunod ng resignation ni Zubiri

MANILA, Philippines — Isang malakas na pagyanig ang bumulabog sa pamunuan ng Senado ang nagtulak kina Senators Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, JV Ejercito at Loren Legarda sa kanilang puwesto.

Ang mga sumusunod na senador ay opisyal na nagbitiw sa kanilang mga puwesto sa sesyon ng plenaryo ng kamara nitong Lunes, Mayo 20, kasunod ng pagbibitiw ni Senator Juan Miguel Zubiri bilang Senate President:

-Joel Villanueva (dating Senate Majority Leader)
-JV Ejercito (dating Deputy Majority Leader)
-Loren Legarda (dating Senate President Pro Tempore)

Ang mga hakbang nina Villanueva, Ejercito at Legarda ay matapos magbitiw sa kanyang puwesto bilang Senate President si Juan Miguel Zubiri.

Sa parehong sesyon ng plenaryo, nagbitiw si Binay sa kanyang puwesto bilang chairperson ng panel ng ethics at tourism.

Samantala, opisyal nang nagbitiw si Angara sa kanyang pagiging chairman ng Senate finance panels at subcommittee on constitutional amendments. RNT