Home METRO Ilang taniman sa Luzon, Visayas sapul ng El Niño

Ilang taniman sa Luzon, Visayas sapul ng El Niño

MANILA, Philippines- Libo-libong ektarya ng lupang taniman sa ilang lalawigan sa Luzon at Visayas ang apektado ng kakulangan sa irigasyon at matinding init dulot ng El Niño.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, sinabi ng National Irrigation Administration na patuloy ang pagbaba ng water levels sa Pantabangan Dam, dahilan upang mawalan ng supply ng tubig ang 13,000 ektarya ng 147,000 ektaryang taniman sa Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga at Tarlac.

Sa Negros Occidental, ikinababahala ng mga magsasaka ang mahigit 2,000 ektaryang taniman  na sapul ng El Niño.  Natuyo rin ang mga sakahan atirrigation canals sa ilang bahagi ng Zamboanga City.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense, walong lalawigan ang nakararanas ng tagtuyot, na nangangahulugang mayroong below-average rate ng ulan sa lugar sa nakalipas na limang buwan.

Idinagdag nito na maaari pang tumaas ang bilang sa pagtama ng dry spell sa March at April. Samantala, inaasahang bababa ang water levels sa ilang dam reservoirs.

“Ngayong March and April, maaaring mas dumami pa yung mga lugar na makakaranas ng mas konti dun sa normal [na pag-ulan]. Maaaring may reduction ng about more than 60% or more na dun sa normal nilang nararanasan na ulan,” ani weather specialist Joey Figuracion.

Samantala, inihayag ng Department of Environment and Natural Resources na tututukan nito ang water security.

Nag-alok din ng programa ang Department of Labor and Employment at ang Department of Social Welfare and Development upang makatulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño. RNT/SA