Home NATIONWIDE Iligal na pag-aresto, inireklamo ng mga suspek sa policewoman slay

Iligal na pag-aresto, inireklamo ng mga suspek sa policewoman slay

169
0

MANILA, Philippines – Nagpasok ng ‘not guilty’ plea ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at kanyang anak na si John Ysmael, habang hiniling naman ng dalawa pa niyang co-accused na ibasura ang kaso dahil sa umano’y iregularidad sa kanilang pag-aresto.

Isinagawa ang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court Branch 83 noong Miyerkules, kung saan sinabi ni Gil Dy, sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, na may procedural lapses sa kanyang pagkakaaresto kahit nagpasok siya ng ‘not guilty’ plea.

Samantala, naghain ng motion to quash sina Pia at Christian Panganiban, na iginiit na ilegal ang kanilang pagkakaaresto.

Binigyan ng korte ang prosekusyon ng limang araw upang magsumite ng komento sa mosyon, at ipinagpaliban ang arraignment nina Dy at ng mag-asawang Panganiban habang hinihintay ang resolusyon ng korte.

Nag-ugat ang kaso sa mga reklamong may kaugnayan sa pagkawala at pagpatay kay Mollenido at sa kanyang anak. Hindi pa nagtatakda ang korte ng bagong petsa ng arraignment para sa dalawang akusado habang nakabinbin ang kanilang mosyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here