Home METRO Illegal gun dealer sa Marikina inaresto; 53 loose firearms nasamsam! – Acorda

Illegal gun dealer sa Marikina inaresto; 53 loose firearms nasamsam! – Acorda

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang unlicense gun dealer sa isang raid sa illegal gun store sa Marikina City.

Sa isang press conference nitong Lunes, Oktubre 2, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na 53 armas ang nakumpiska mula sa tirahan ng suspek, na hindi pa pinangalanan ng pulisya.

Kabilang sa mga narekober ay ang 26 long firearms, 27 short firearms, assorted ammunition, maging ang mga mahor at minor part, tools at machines sa paggawa ng armas.

“The arrested person had no license to operate a firearms business and had not submitted any application to the PNP’s Firearms and Explosives Office for dealing and manufacturing firearms,” ani Acorda.

Aniya, ang mga customer ng suspek ay pawang mga politiko na may private armies, police at military personnel, maging ang mga high-profile gun enthusiasts.

Ang operasyon ay isinagawa batay sa search warrants na inilabas ng Executive Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region ng Marikina City.

Inihain ang reklamo ng illegal possession of firearms and ammunition laban sa suspek sa Office of the City Prosecutor sa Marikina City nitong Linggo. RNT/JGC