MANILA, Philippines – Sinalakay ng National Bureau of Investigation – Laguna District Office (NBI-LAGDO) ang isang medical clinic na illegal na nag-ooperate sa San Isidro, Makati City para sa paglabag sa Food and Drug Act of 2009.
Sinabi ni NBI Director Jaime B. Santiago na ang kanyang opisina ay nakatanggap ng impormasyon na ang isang Chinese national na kinilala bilang Dr. Yu ay nakikipagsabwatan umano sa ilang mga Filipino para magbenta ng unregistered medicine sa mga hospital clinic sa ilalim ng pangalan ng Mastercare MDC Inc.
Nakasaad din sa impormasyon na ang klinika ng ospital na ito ay tumutugon lamang sa mga pasyenteng Tsino at ang mga hindi rehistradong gamot ay nakaimbak sa loob ng klinika.
Batay sa impormasyon, agad na nagsagawa ng test-buy operation ang NBI-LAGDO noong Hunyo 17, 2024 at nakumpirma ang katotohanan ng impormasyon.
Ang pag-verify sa Food and Drug Administration (FDA) sa isa sa mga item sa panahon ng test-buy operation ay nagpakita na ang isinumiteng item (ointment) ay hindi rehistrado.
Sa pangalawang second test-buy, ang poseur-patient ay may medical checkup sa nasabing klinika at binigyan ng reseta ng ilang mga gamot na may Chinese markings na nabinili rin sa nasabing klinika.
Nagbayad ang impormante ng P3,000.00 para sa check-up at mga gamot.
Sa beripikasyon, nalaman na hindi lisensyado ang health facility na sinisertipikahan ng Department of Health (DOH) at ito ay nakarehistro bilang korporasyon kasama si Khorshed Alam, isang Bangladesh national, bilang President sa kanilang Securities and Exchange Commission (SEC).
Isinumite na ang mga gamot sa test-buy operation sa FDA para sa beripikasyon.
Bunsod ng dapat na ebidensya, nag-apply ng Search warrant ang NBI-LAGDO laban sa klinika mula sa Regional Trial Court, Branch 147, Makati City nannagresulta ng pagkakumpiska sa ilang dokumento kaugnay sa illegal na aktibidad ng klinika .
Inimbitahan din ang dalawang doktor at apat na dayuhan na inabutan sa loob ng klinika.
Nakatakas naman sa pagsalakay ang dalawang Chinese national na kinilalang sina alyas Zhihe Yu at Jingfang Wu, na umano’y nagpapagamot sa clinic. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)