ILOCOS SUR-Muli na naman ipinadama at ipinakita ng mga mamamayan ng Ilocos Sur na mahal na mahal at suportadong-suportado nila ang mga Singson base sa naging resulta ng katatapos na May 12, 2025 national and local elections.
Bagamat parehong walang kalaban sa pagka-Governor at Vice-Governor, nakakuha ng 328,528 votes si Gov. Jerry Singson samantalang nakakuha naman ng 331,144 votes si Vice-Governor Ryan Singson.
Muling nahalal bilang Congressman ng 1st District ng Ilocos Sur si Rep. Ronald Singson na umani ng 143,361 votes.
Panalo rin sa puwesto sa 2nd District ng Ilocos Sur si Deputy Speaker Rep. Kristine Singson na nakakuha ng 163,262 votes.
Sa Vigan City, panalo sa pagka-Mayor si Vice-Mayor Randy Singson samantalang sa Candon City naman ay si City Mayor Eric D. Singson muli.
Heto ang listahan ng mga nanalong Board Members ng Ilocos Sur:
1st District
1. Medina Janina
2. Oandasan Doc Art
3. Ranches Third
4. Rafanan King
5. Baterina Maing
2nd District
1. Singson Ericson
2. Maggay Ben
3. Zaragoza Fayinna
4. Gironella Boy
5. Sanidad, Pablito
Pormal na iprinoklama ng Ilocos Sur Provincial Board of Canvassers kaninang 10:00 ng umaga (May 13) ang mga nanalong provincial officials sa May 12, 2025 national and local elections. Rolando S. Gamoso