Home METRO Ilocos Sur niyanig ng M-4.8 quake

Ilocos Sur niyanig ng M-4.8 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang 4.8-magnitude earthquake sa Ilocos Sur nitong Miyerkules, alas-3:59 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natukoy ang epicenter ng lindol 66 kilometers (km) southwest ng Caoayan, Ilocos Sur na may lalim na 15 km.

Anang Phivolcs naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity IV (moderately strong) sa San Vicente, Vican City, at Candon City sa Ilocos Sur; Intensity III (weak) sa Salcedo, Magsingal, at Sigay sa Ilocos Sur, at Bangar sa La Union; at Intensity II (slightly felt) sa Santa Maria, Ilocos Sur.

Tectonic ang nasabing lindol, na nangangahulugang dulot ito ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala subalit nagbabala sa publiko na mag-ingat sa posibleng aftershocks. RNT/SA

Previous articleOCD handang magpaabot ng tulong sa quake-hit Japan
Next articleAplikante para sa franchise consolidation dumami bago mag-deadline – DOTr