MANILA, Philippines – Balik na sa normal ang operasyon ng Iloilo International Airport nitong Lunes, Disyembre 23 kasunod ng pansamantalang runway closure nitong Linggo na nakaantala ng siyam na flight.
Ang Runway 02 ay sarado mula 7:15 ng umaga hanggang 11 a.m. para kumpunihin ang dalawang butas sa runway.
Apektado nito ang domestic flights na nagresulta sa tatlong kanselasyon, limang delay at isang diversion.
Siniguro naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na natulungan ng mga airline ang apektadong pasahero.
“We recognize that this temporary closure may inconvenience travelers and impact the local economy. However, the safety of our passengers, crew, and aircraft remains our top priority,” pahayag ni Iloilo Airport Manager Manuela Luisa Palma.
Ani CAAP Director General Manuel Tamayo, mahalaga ang runway closure para mabawasan ang posibleng panganib dahil sa mga butas na ito sa runway. RNT/JGC