Home NATIONWIDE P3.2M shabu nasabat sa Davao checkpoint

P3.2M shabu nasabat sa Davao checkpoint

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga operatiba mula sa Police Regional Office (PRO) 11 (Davao) ang P3.2 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang suspek sa Purok 2, Barangay Lacson, Calinan, Davao City.

Sa pahayag nitong Lunes, Disyembre 23, kinilala ni PRO 11 Director Brig. Gen. Leon Victor Rosete ang dalawang suspek na sina “Ron-Ron” at “Je-Je,” kung saan naharang ang mga ito bandang 12:20 ng hapon nitong Linggo sakay ng puting Nissan Navara na may plate number JAS 8041.

Sa plain view inspection, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang malaking puting cellophane na naglalaman ng limang transparent plastic bags ng hinihinalang shabu sa sahig ng passenger seat, kasama ang P10,000 na cash.

Nasa kustodiya na ng Calinan Police Station (PS10), Davao City Police Office (DCPO) ang mga naarestong suspek para sa tamang disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso. RNT/JGC