Home METRO Imbestigasyon sa sexual harassment ng tauhan, isinagawa ng PCG

Imbestigasyon sa sexual harassment ng tauhan, isinagawa ng PCG

186
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa kinasasangkutang sexual harassment ng isa nilang personnel sa isang resto Bar sa Pasay City nitong Enero 5 ng madaling araw.

Sinabi ni Capt. Noemi Cayabyab, tagapagsalita ng PCG na sakaling mapatunayan na nagkasala ang kanilang tauhan ay posible itong matanggal sa serbisyo o madishonorable discharge.

Aniya, ang pamunuan ng PCG ay hindi kinukunsinti ang ganitong misconduct sa loob o labas man ng kanilang g tungkulin.

Muli ring pinagtibay ni Capt.Cayabyab na ibibigay ang buong kooperasyon ng PCG para maibigay ang hustisya sa biktima na isang waitress.

Sa inisyal na impormasyon na natanggap umano ng PCG, ala 1 ng madaling araw nitong Lunes nang mangyari ang insidente.

Habang ginagampanan ang trabaho ng waitress ay bigla na lamang siyang hinawakan sa likurang maselang bahagi ng kanyang katawan bago pumasok sa comfort Room ang PCG personnel.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa security personnel ng naturang establisyimento at paglabas ng kanilang tauhan sa comfort room ay agad siyang kinilala ng biktima saka dinala sa police station.

Tiniyak ni Capt.Cayabyab ang buong kooperasyon ng PCG sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng pulisya at ibibigay lahat ang kanilang maitutulong at maihatid sa biktima ang hustisya.

Kung sa dahilan bakit nagawa ito ng PCG persnnel, sinabi ni Capt.Cayabyab na patuloy pa ang isinasagawang inquiry kaya hindi pa ito ma-disclose sa ngayon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here