Home NATIONWIDE Imee binati si PBBM: Happy birthday, Bonget!

Imee binati si PBBM: Happy birthday, Bonget!

342
0

MANILA, Philippines – Ilang buwan matapos aminin ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa, binati ni Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-68 kaarawan nito.

Sa Facebook post, sinabi ni Senador Marcos ang mga katagang: “Naragsak a panagkasangay, Bonget! 🥳”

Noong Marso, sinabi ng senador na hindi siya nakikipag-usap sa kanyang kapatid matapos ang pag-aresto at pagsusuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para humarap sa International Criminal Court sa mga reklamong crimes against humanity sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Kasunod nito ay iniwan ni Senador Marcos ang senatorial slate ng kanyang kapatid sa midterm elections. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here