Home NATIONWIDE Imee deadma sa ‘kill senators’ remark ni Duterte

Imee deadma sa ‘kill senators’ remark ni Duterte

MANILA, Philippines- Hindi naantig si Senador Imee Marcos sa biro ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan pumatay ng 15 senador upang makapasok sa “magic 12” ang kandidato ng PDP-Laban sa midterm elections.

Sinabi ni Marcos, kaalyado ni Duterte, na hindi siya natatakot sa “bantang biro” dahil mahal siya ng dating chief executive.

Binanggit pa ni Marcos ang isang wordplay matapos itong tanungin hinggil sa komento sa biro ni Duterte.

“Maybe they are a hindrance. Do you know that? They aren’t loved. As for me, I’m not afraid because I’m loved. Maybe they are hindrances that’s why they are nervous,” ayon kay Marcos.

Aniya, kung babasahin nang pabaliktad ang salitang “balakid” magiging “di ka lab,” na ibig sabihin sa English “you’re not loved.”

“I am used to Davao trashtalk. Without passing judgment that it’s right or wrong, it feels like we got used to throwing shade. I’m not a hindrance. That’s why I am not afraid,” ayon kay Marcos.

Isinagawa ni Duterte ang biro sa ginanap na proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Club Filipino sa San Juan City nitong Huwebes.

Aniya, kapag pinatay ang 15 senador, magkakaroon ng bakante para sa senatorial bets na kanyang inendorso.

Kaugnay nito, inihayag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na kailangan ipaubaya ang bagay na ito sa Department of Justice at National Bureau of Investigation.

Pero, aniya, mayroon siyang ibang naiisip sa bagay na ito bago siya magbigay ng pahayag.

“A person’s obsession with the topic of death and killing, mentioning it every time he or she speaks, is a worrying sign of a serious personality disorder,” ani Pimentel. Ernie Reyes