Home NATIONWIDE Enrollment period para sa overseas internet voting kasado sa March 10

Enrollment period para sa overseas internet voting kasado sa March 10

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) noong Martes na ang pre-voting enrollment period para sa mga Filipino sa ibang bansa na gagamit ng internet voting sa May 12 midterm polls ay magsisimula sa susunod na buwan.

Pinayuhan naman ang bawat registered voter na mag-register gamit ang kanilang internet-capable device sa kanilang pre-voting enrollment period.

Hinihiling din sa botante na hanapin ang iskedyul ng field/mobile pre-voting enrollment sa Philippine Post kung saan sila nagtatrabaho o nakatira.

Binanggit pa na magkakaroon ng voting kiosk sa Philippine Posts sa panahon ng overseas voting.

Kasabay nito, pinapayuhan ang mga botante sa ibang bansa na magsign-up gamit ang opisyal na link na ibinigay ng Comelec para sa pre-voting enrollment.

Kapag naging matagumpay ang pre-voting enrollemnt, sinabi ng poll body na ang botante sa ibang bansa ay maaring bumoto online sa loob ng 30-araw na panahon ng pagboto mula Abril 13 hanggang Mayo 12, ganap na alas-7 ng gabi, PH time.

Pinapayuhan din silang suriin ang mga partikular na paraan ng pagboto sa ibang bansa para sa Philippine Posts pumunta sa: https://comelec.gov. ph/?r=Overseas Voting/2025NLESpecific ModesOfOverseas Voting.

Para sa karagdagang impormasyon, lahat ng rehistradong botante sa ibang bansa ay maaaring bumisita sa Office for Overseas Voting PH, at sa opisyal na website at social media accounts ng Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden