Home NATIONWIDE Imee Marcos: PBBM ‘di inaalagaan sa Palasyo

Imee Marcos: PBBM ‘di inaalagaan sa Palasyo

320
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Sen. Imee Marcos nitong Sabado na nagkasakit ang kapatid niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil wala umano sa Malacañang ang nag-aalaga sa kanya.

“Wala kasing nag-aalaga sa kaniya… Sino ba diyan sa nakapaligid sa Palasyo… ang talagang nagmamahal sa kapatid ko? Yan lang ang tanong ko,” ani Imee.

Idinagdag niya, “Ang health niya ang bibigay. Kaniya-kaniyang agenda kayo diyan, wala namang umaasikaso sa kaniya.”

“Pangalagaan muna niya ang sarili niya… Talikuran niya na ang lahat ng nakapaligid diyan sa Palasyo. Panggulo lang yan,” saad ni Imee.

Nagbalik sa Malacañang si Pangulo matapos ma-obserbahan sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Tumugon ang Malacañang sa komentong ito, na sinabing huwag gawing biro ang kalusugan ng Pangulo at maging tapat sa pagbibigay ng payo.

“Huwag magpakaplastik sa mata ng nakararami,” ani Press Officer Claire Castro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here